Isang munting tula para sa Taga-lipol ng mga tala

Kita ko ang mga tala sa kalaliman ng gabi

Sila’y may kanya-kanyang posisyon sa karagatang himpapawid

May kanya-kanya ring ngalan ayon sa Iyong pagkatawag

May natatanging kinang na Ikaw lamang ang naghatag.

 

Patuloy akong nabibighani sa tuwing tumitingala

Nasisilayan kanilang kislap mula sa kalawakan

Nakakahayahay, pagod ay napapawi.

Kay sarap tuloy humimbing sa ilalim ng langit.

 

Sila kaya’y mananatili hanggang sa Iyong pagbalik?

O sila’y gabay lamang hanggang Ika’y dumating?

Kanilang pagkinang para bang nangungusap

Bumubuhay sa pag-asang animo’y napaparam.

 

Sa Iyong pagdating, gabi’y yayakapin ng araw

Kung magkagayon kaya’y, sila pa’y masisilayan?

Paano at sa anong paraan kaya?

Munting liwanag, matatabunan na nga ba?

 

Ngunit kung totoong sila’y panandalian lang,

Sang libong araw aabutin aking pasasalamat

Ikaw, aking Diyos, tunay na kahanga-hanga!

Iyong likha’y salamin ng Iyong pagkalinga!

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s